Portraits na likha mula sa test tubes at pushpins

Ang mga portraits o larawang gawa mula sa mga test tubes, specimen bags at pushpins ay matatagpuan sa workspeace ni New York based artist Michael Mapes.

Bihirang gumamit si Mapes ng mga art paint sa halip para mabuo ang kaniyang portrait ay gumagamit siya ng mga litrato, mga hibla ng buhok, handwriting samples, jewelry, test tubes, pushpins at kung anu-ano pa.

Ang mga tinagurian niyang Franken portraits ay ikinukunsidera niyang individual parts collection.

Karaniwan niyang idinidikit sa dingding ng maraming litrato at pinag-aaralan niya kung paano siya magsisimula mula doon.

Kung pagmamasdan sa malayuan, ang mga likha ni Mapes ay mapagkakamalang gawa ng mga Dutch masters ngunit kung tiitngnan sa malapitan ay mamamangha ka sa mga ginamit niya upang mabuo ang kaniyang mga art work.

 

=== end ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *