Portugal at Spain, nakikipaglaban sa mga wildfire sa gitna ng heat wave alerts
Daan-daang pamatay sunog ang nagsisikap na apulahin ang isang wildfire na apat na araw nang naglalagablab sa Portugal, na gaya ng kapitbahay nitong Spain ay dumaranas ngayon ng isang heat wave na nag-trigger ng malawakang weather alerts.
Ang Iberian Peninsula ay nakararanas ng matinding pagbabago ng klima sa Europe, kung saan nasasaksihan nila ang lalong matinding init, tagtuyot at wildfire.
Ang temperatura sa Santarem, Portugal ay umakyat ng 46.4 degrees Celsius (115.5 degrees Fahrenheit), na ayon sa provisional data mula sa meteorological office (met office) ay maituturing na isang “record” para sa taong ito.
Dagdag pa nito, ang init sa Spain ay inaasahang lalampas pa sa 44 degrees Celsius, na hinuhulaang siyang magiging pinakamatinding heat wave day, na ikatlo na sa naranasan ngayong taon.
Photo by AFP
Nitong Martes, humigit-kumulang siyam na raang pamatay sunog na suportado ng sampung water-bomber planes ang nagtuwang sa pag-apula sa sunog na tumupok na sa libu-libong ektarya sa Odemira, sa southwestern Portugal, na malapit sa southern tourist mecca ng Algarve.
Sinabi ng civil protection authority ng Portugal, “The perimeter of the wildfire had been “stabilized” overnight on Monday but there were still “two critical points” that required “a lot of effort.”
Inilikas naman ang mga tao mula sa nasa 20 inland villages at ilang rural tourist sites, kaya naging 1,500 na ang bilang ng mga na-displace mula noong Sabado.
Humigit-kumulang din sa 40 katao na kinabibilangan ng 28 fire officers, ang binigyan ng emergency medical treatment.
Photo by AFP
Samantala, isang bukod na wildfire na puminsala na ng humigit-kumulang sa 7,000 ektarya sa Leiria, central Portugal, ang bahagyang humupa noong Lunes ng magdamag.
Sa magkabilang panig ng bansa, halos 2,800 mga pamatay sunog at 16 na water-bombers ang nagtangkang apulahin ang wildfires nitong Martes.
Kapwa naman namamalagi ang weather warnings sa Portugal at Spain. Malaking bahagi ng southern half ng Spain ay nasa ilalim ng orange alert nitong Martes.
Photo by AFP
Ang Spanish met office (AEMET) ay nag-isyu ng maximum red alerts para sa ilang bahagi ng Andalusia sa timog, sa Madrid region sa sentro at sa Basque Country sa malayong hilaga.
Higit isanglibong ektarya na ng lupain ang sinira ng apoy sa Spain nitong nagdaang weekend.
Nahirapan naman ang mga bumbero na apulahin ang ika-apat na malaking wildfire na sumiklab sa Estremadura, sa central Spain, malapit sa border nito sa Portugal.
Sa kabuuan, sinira na ng wildfires ang 100,000 ektarya ng lupain sa magkabilang panig ng Iberian Peninsula ngayong taon, ayon sa paunang pagtaya. Bukod pa ito sa naitalang 400,000 ektarya na nasira noong isang taon.