Portugal, isinama ng Pilipinas sa red list

Hindi na papayagang pumasok sa bansa ang mga biyaherong magmumula sa Portugal.

Ito’y matapos isama ng Pilipinas ang Portugal sa red list dahil sa pagiging high-risk nito sa Covid-19.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, batay sa inter-agency task force resolution 153, pinapayagan ang mga biyahero mula sa Portugal na pumasok sa bansa, bago mag-December 15.

Subalit kailangan nilang sumunod sa quarantine protocols gaya ng pagpapakita ng negatibong RT-PCR test result, na isinagawa 72 oras bago ang kanilang paglapag sa Pilipinas.

Sasailalim din sila sa facility-based quarantine at panibagong RT-PCR test pagsapit ng ika-pitong araw, kapag nag-negatibo ay maaari nang kumpletuhin ang 14-araw na quarantine sa kanilang tutuluyan.

Please follow and like us: