Posibleng pag-take over ng gobyerno sa mga Water Service Facilities, may batayan sa Saligang Batas, ayon sa DOJ

Maaaring pansamantalang i-take over ng gobyerno ang anumang pribadong negosyo kung may National Emergency at alang-alang sa interes ng publiko alinsunod sa Saligang Batas.


Ito ang tugon ni Justice secretary Menardo Guevarra sa tanong kung may ligal na batayan ang banta ng pangulo na kung hindi tatanggapin ng Manila Water at Maynilad ang bagong concessionaire contract ay ina-nationalize ang water service.

Ayon kay Justice secretary Menardo Guevarra,  pinapayagan sa ilalim ng Article 12 ng Konstitusyon ang posibleng temporary takeover ng mga pribadong pasilidad.

Nakasaad din aniya sa nasabing probisyon ng Saligang Batas na maaaring angkinin o mag- take ownership ang pamahalaan sa mga public utilities na ino-operate ng mga private entities kapag nagbayad ng just compensation para sa interes at kapakanan ng publiko at national defense.

Una nang inihayag ni Guevarra na bukas pa sa renegotiation ang bagong water contract na binubuo ng pamahalaan.

Tinanggal na rin aniya ng DOJ ang mga onerous o mga kwestyonableng probisyon sa concession agreements.

Ulat ni MOira Encina

Please follow and like us: