Positive 52 percent approval rating ni Pangulong Duterte,Ikinatuwa ng Malakanyang
Pinasalamatan ng Malakanyang ang taongbayan dahil nananatiling mataas parin ang approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit dalawang buwan na lamang ang natitirang panahon ng kanyang termino.
Ito ang reaksyon ng Palasyo matapos lumabas ang resulta ng Publicus Asia Survey na si Pangulong Duterte ay nakakuha ng positive 52 percent na approval rating.
Samantalang si Vice president Leni Robredo ay nakakuha naman ng negative 9.9 percent na approval rating.
Sinabi ni Presidential spokesman Secretary Martin Andanar na nararamdaman ng taongbayan ang tangible accomplishment ng administration sa ilalim ng Duterte legacy sa pamamagitan ng mga policy ng pamahalaan na may kinalaman sa ekonomiya seguridad at anti- corruption.
Ang Publicus asia survey ay isinagawa noong March 30 hanggang April 6 ng taong kasalukuyan na nilahukan ng 1,500 respondents.
Tanging si Robredo lamang ang nakakuha ng negative approval rating sa mga matataas na opisyal ng gobyerno dahil sina Senate president Tito Sotto III ay nakakuha ng positive 15.8 percent, Chief Justice Alexander Gesmundo ay positive 8.2 percent at House speaker Lord Allan Velasco ay 2.3 percent.
Vic Somintac