Paano i-potty training ang alagang aso?
Meron ba kayong alagang hayop?
Gusto n’yo bang malaman kung paano i-potty training ang inyong pet?
Kapag tayo ay may pet o alaga, aso man o anomang hayop, may kaakibat na responsibilidad, at alam ninyo yan!
Sa alagang aso, kailangan ang pagsasanay kung paano at saan sila dapat dumumi o magpoo-poo.
Hindi puwede na kahit saan na lang kapag gusto nilang dumumi ay okay lang.
Dapat isinasaalang-alang din natin hindi lang ang ating kapakanan.
Kundi maging ng ating mga kasama sa komunidad, ang ating mga kapitbahay.
Kaya nga naitanong natin sa isang veterinarian si Dr. Jomar Castro ang ukol sa potty training ng isang may alagang aso.
At narito ang ibinahagi niya….
Una, mahalaga na makapag-develop ng routine o schedule na gagawin sa araw-araw,
simula na ito ay tuta pa lamang na nasa edad isang buwan,
Dito sisimulan ang routine.
Dapat matiyaga ang mga pet owner sa pagsasanay sa kanilang alaga.
alamin kung saan ninyo nais na dumumi ang aso.
Gumamit ng papel o tinatawag na paper training,
Puwede rin ang basahan o dormat.
Sa ganitong paraan matatandaan ng aso ang sariling amoy.
Bukod dito, maaari ding gumamit ng spray
Maaari itong i-spray sa lugar na nais ninyong dumumi ang alaga
Tandaan silay ay scent related. Lagi nilang hahanapin ang sarili nilang amoy na parang nag-iiwan ng marking.
Samantala, asahang dudumi ang puppy 30 minutes to hour pagtapos kumain.
Paalala ni Vet jomar na mas mainam bigyan ng reward ang alagang hayop kaysa punishment.
Dahil mas natatandaan ng aso ang reward, o treats na natanggap.
Panghuli, ang potty Training ay aplikable sa lahat ng breed ng aso.