Power interruption sa Iloilo City nabawasan ng 90 porsyento –MORE Power
Bumaba ng 90 porsyento ang power interruption sa Iloilo City.
Ayon kay MORE Power President Roel Castro, kasunod ito ng kanilang ipinatupad na modernization efforts mula nang hawakan nila ang power distribution sa lungsod.
Nasa P1.5 bilyong na aniya ang kanilang in-invest para sa modernization ng kanilang power distribution facilities.
Malaki aniya ang naitulong ng pagbaba ng overloading at illegal connections sa Manila para mapababa ang system loss na naipapasa sa consumers.
Katunayan sa Iloilo City aniya ang may pinakamababang singil sa kuryente ngayon.
Si Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, pinuri ang mga inisyatiba ng MORE para masawata ang malling problem ng brownout noon sa Iloilo.
Ayon kay Poe, kung ang isang distribution utility ay responsable ay tiyak na magiging maayos ang serbisyo.
Madelyn Moratillo