Prangkisa ng mga bus, pinarerebisa ni Cong. Alfred Vargas saLTFRB

 

 

alfred

Umapela si Quezon City Congressman Alfred Vargas sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board o  LTFRB na rebisahin ang prangkisa ng mga kumpanya ng bus na nasangkot na sa mga aksidente.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara, binigyang diin ni Vargas na mahalagang makita ang track record ng mga kumpanya ng bus na ito at kung mayroon silang mga karampatang lisensya.

Kasunod ito ng nangyaring aksidente sa Tanay Rizal na ikinasawi ng 15 estudyante matapos bumangga ang sinasakyang bus ng ito.

Labis din ang pagkadismaya ng kongresista na sa mga ganitong aksidente ay madalas na kawalan ng preno ang itinuturong dahilan.

Kaugnay nito, makikipagdayalogo ngayong araw si Vargas sa mga opisyal ng Bestlink College at sa pamilya ng mga biktima.

Inimbitahan din ni Vargas ang operator ng Panda Coach Bus Tour sa nasabing dialogo.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: