Prangkisa ng Resorts World Manila, posibleng ipabawi ng Kamara
Ikinukonsidera ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagbawi sa prangkisa ng Resorts World Manila.
Sa pagdinig sa Kamara, ipinaisa-isa ni Alvarez sa PAGCOR ang mga naging paglabag ng Resorts World na maaaring maging dahilan para makansela o masuspinde ang prangkisa nito
Ayon kay PAGCOR Chairman Andrea Domingo, bigo ang Resorts World na makatugon sa kanilang advisory na nag-aatas sa lahat ng casino na palakasin ang security measures at sumunod sa mga ordinansa sa curfew kasunod na rin nangyaring gulo sa Marawi City at deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao
Batay sa kanilang assessment, ayon kay Domingo, nagkaroon talaga ng kakulangan sa seguridad sa panig ng Resorts World gaya na lang entrance at sa parking lot nito na kulang sa security
Samantala, pinag-aaralan naman ng liderato ng Kamara na maghain ng panukala para malipat sa Kongreso ang kapangyarihan ng PAGCOR sa pagbibigay ng mga lisensya sa mga casino.
Inaasahan sa Biyernes, maglalabas ng desisyon ang PAGCOR kung susupendihin o irerekomendang bawiin ang parangkisa ng Resorts World.