Prangkisa ng San Miguel Aerocity para sa pagtatayo ng airport sa bulacan, Pinal nang pinagtibay ng Senado
Pinal nang pinagtibay ng senado ang panukalang batas na magbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity para magtayo at mag operate ng bagong domestic at international Airport sa Bulacan.
Dalawamput isang senador ang bumoto pabor sa House Bill No. 7507, walang tumutol at wala ring nag abstain .
Sakaling lagdaan ng pangulo at maging batas, maaring masimulan na ang konstruksyon ng 735-billion airport project .
Ayon kay Senador Grace Poe na Chairman ng Senate Committee on public services, habang itinatayo ang paliparan, libre sa pagbabayad ng buwis ang kumpanya pero pa patawan na sila ng buwis kapag kumikita na ang airport.
Malaki aniya ang pakinabangan ng gobyerno dahil makapagbibgay ito ng mahigit apatnaraang libong trabaho sa mga pilipino.
Mapapalakas rin anya ang turismo dahil inaasahang kaya nitong I -accommodate ang may 70 milyong mga pasahero taon taon doble sa kapasidad ng Ninoy Aquino International Airport.
Babayaran naman aniya ang mga residente sa bulacan na maaring mawalan ng bahay bukod pa sa cash aid na ibibigay ng gobyerno.
Sa ngayon ayon sa Senador, nai-relocate na ang karamihan sa mga residente sa ibang bahagi ng bulacan,, rizal, nueva ecija at antipolo
Meanne Corvera