Prepaid simcards , obligado nang iparegister
Naprubahan na ng Bicameral Conference Committee ang Senate bill no. 1310 House bill no. 14 o mga panukalang mandatory na pagpaparehistro ng Simcards.
Agad nagsagawa ng bicam ang Kamara at Senado para ayusin ang hindi magkatugmang probisyon nito matapos aprubahan ng senado sa third at final reading ang panukala.
Hindi kasama sa inaprubahan ang mga hirit na isama sa dapat ipaparehistro ang mga social media account dahil sasagkaan nito ang karapatan ng bawat indibidwal na dahilan rin kaya iveneto ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pamamagitan ng panukala sinabi ni Senador Grace Poe na Chairman ng Committee on public services hindi na basta lamang buburahin o i ba block ang mga nagpapadala ng text scam kundi maari na silang managot sa batas .
Maaari na ring habulin at ipakulong ang mga kriminal at mga terorista na gumagamit ng prepaid simcards para makapang biktima at makapaghasik ng karahasan.
Ang panukala ay ipadadala na sa Malacañang para palagdaan sa Pangulo.
Meanne Corvera