Preparations sa SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mababang kapulungan ng Kongreso nasa final stage na
Nasa final stage na ang isinasagawang paghahanda sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sinabi ni House of Representatives Secretary General Mark Llandro Mendoza batay sa napagkasunduan sa Inter-Agency meeting tatlong araw na naka-lockdown ang Batasan Complex para maisagawa ang disinfection bilang bahagi ng health protocol kaugnay parin ng pandemya ng COVID-19.
Hinigpitan narin ang ipinatutupad na seguridad sa buong Batasan Complex ng pinagsanib na puwersa ng Presidential Security Group o PSG at House of Representatives Security Personnel.
Gagamiting entrance ng lahat ng dadalo sa SONA ang North Wing Lobby ng Batasan Building matapos makakuha ng clearance mula sa PSG sa South Wing Lobby.
Requirements para mabigyan ng entry clearance ng PSG ang Health Declaration, Vaccination Card at Hard Copy ng negative result ng RT PCR test, SONA invitation para sa VIP’s at SONA accreditation ID na inisyu ng House of Representatives Secretariat.
Gagamiting holding area ng Media na magko-cover ng SONA ang 4th floor ng South Wing Annex Building sa Batasan Complex.
Alas 4 ng hapon ng July 25 inaasahang isasagawa ni Pangulong BBM ang kanyang unang State of the Nation Address o SONA kasabay ng Joint Session ng dalawang kapulungan ng Kongreso na siyang opisyal na pagsisimula ng first regular session ng 19th Congress.
Vic Somintac