Pres. Marcos nanawagan ng bagong regional peace efforts sa harap ng tensyon sa Korean Peninsula
Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nababahala na rin sa nangyayaring tensyon sa Korean Peninsula.
Binanggit ito ng pangulo kasunod ng pakikipagpulong kay Komeito Party Chief Representative Yamaguchi Natsuo ng Japan sa Malakanyang.
Ang tensyon sa Korean Peninsula ay kasunod ng paglulunsad ng North Korea ng missile test.
Sa nasabing pulong, tiniyak ni PBBM ang suporta sa mga plano ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida kasunod ng nangyayaring tensyon.
Naniniwala ang pangulo na kailangan talagang magtulungan ng mga bansang kabilang sa Asya para masigurong mapapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Nabanggit rin sa pulong ang naging komunikasyon noon sa Japan patungkol sa joint patrol sa West Philippine Sea.
Madelyn Moratillo