Presensiya ng Chinese vessel sa PAGASA Group of Islands bineberipika na ng Malakanyang
Nakarating na sa Malakanyang ang impormasyon kaugnay ng sinasabing presensya ng Chinese vessels malapit sa PAGASA na kabilang sa mga isla ng municipality ng Palawan.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa AFP, Coastguard at PNP para ma-verify ang ulat.
Una ng ibinunyag ni Magdalo Representative Gary Alejano na planong okupahin ng China ang isang sandbar malapit sa kanlurang bahagi ng PAGASA Island.
Ang PAGASA Island ay kabilang sa anim na islang bumubuo ng PAGASA municipality ng Palawan at ang tanging isla na may mga nakatirang residenteng Pinoy at may airstrip.
Ulat ni: Vic Somintac