President Yoon ng South Korea pinatalsik na sa puwesto

South Korean President Yoon Suk Yeol declared martial law on Tuesday, Dec. 3, 2024. Chung Sung-Jun/ Pool via REUTERS/ File photo
Nagpasya ang Constitutional Court ng South Korea nitong Biyernes, April 4, na patalsikin na sa puwesto si President Yoon Suk-yeol, kaugnay ng sandaling deklarasyon ng martial law noong isang taon, na nagpasiklab na pinakamalalang political crisis.
Ang unanimous decision ang tumapos sa ilang buwan nang kaguluhang politikal sa South Korea.
Dahil sa pasya, aandar na ang takbuhan upang ihalal ang susunod na magiging pangulo sa susunod na 60 araw kaya ng nakasaad sa saligang batas. Mananatili namang acting president si Prime Minister Han Duck-soo hanggang sa manumpa ang bagong pangulo.
Si Lee Jae-myung, ang populist leader ng liberal Democratic Party na tinalo ni Yoon sa napakaliit na kalamangan noong 2022, ay isang malinaw na front-runner ngunit nahaharap din sa legal challenges sa ilalim ng multiple trials kaugnay ng korapsiyon.
Sinabi ni acting Chief Justice Moon Hyung-bae, na nilabag ni Yoon ang kanilang tungkulin bilang pangulo nang magdeklara ng martial law noong December 3, kung saan lumampas na ito sa kaniyang constitutional powers dahil sa kaniyang hakbang na aniya’y isang seryosong hamon sa demokrasya.
Aniya, “(Yoon) committed a grave betrayal of the people’s trust who are the sovereign members of the democratic republic. His declaration of martial law created chaos in all areas of society, the economy and foreign policy.”
Hindi naman magkamayaw ang tuwa ng libu-libong katao sa isang rally na nananawagan sa pagpapatalsik kay Yoon.

People celebrate after President Yoon Suk-yeol’s impeachment was accepted, near the Constitutional Court in Seoul, South Korea, April 4, 2025. Kim Hong-ji/Reuters
Ang mga supporter naman ni Yoon na nagtipon malapit sa kaniyang official residence ay natahimik dahil hindi makapaniwala sa desisyon ng korte.
Ang ilan ay nagalit, kung saan isa sa protester ang hinuli ng pulisya matapos basagin ang bintana ng isang police bus, habang ang iba naman ay umiyak ayon sa ulat ng Yonhap news agency.
Sa isang mensahe sa pamamagitan ng kaniyang mga abogado, ay humingi ng paumanhin si Yoon sa mga mamamayan ng South Korea, “I am so sorry and regretful that I wasn’t able to live up to your expectations.”
Binatiko naman ng mga abogado ni Yoon ang naging pasya ng korte.
Sinabi ni Yoon Kab-keun sa mga media, “This can only be seen as a political decision and it’s really disappointing.”
Si Yoon ay namalagi sa kaniyang official residence mula nang makalaya sa kulungan noong March 8.
Tinanggihan ng korte ang karamihan sa mga argumento ni Yoon, na nagdeklara siya ng martial law upang ipaalam sa madla ang pag-abuso ng main opposition party sa kanilang parliamentary majority, sa pagsasabing may legal na paraan upang i-address ang mga hindi pagkakaunawaan.
Ayon kay Moon, ang pagpapakilos sa militar laban sa parliyamento upang pigilin ang functions nio ay grabeng paglabag sa constitutional duty ni Yoon na bantayan at tiyaking ligtas ang pagiging independent ng tatlong sangay ng gobyerno.
Ang presidential flag na nasa tabi ng national flag sa presidential office ay ibinaba na matapos ang anunsiyo ng desisyon ng korte nitong Biyernes.
Ibababa na rin ang mga larawan ni Yoon sa mga base militar at ommand centers sa buong bansa, upang sirain o sunugin ayon sa batas.
Nangako naman si Kwon Young-se, ang interim leader ng ruling People Power Party ni Yoon, na makikipagtulungan sa acting president sa pagpapakalma s abansa.
Sinabi ni acting President Han, matapos bumaba ang desisyon, na gagawin niya ang lahat upang tiyakin na magkakaroon ng isang maayos na eleksiyon, at urgent priorities niya ng gobyerno na bumuo ng tugon sa 25% tariff na ipinaraw ng Estados Unidos sa South Korean imports.
Ang finance ministry ay nagpanukala ng isang 10 trillion won ($7 billion) supplementary budget, ngunit kailangan makipag-compromise sa opposition Democratic Party na ang lider an Lee ay may target namang 30 trillion won.
Ang 64-anyos na Yoon ay nahaharap pa rin sa isang criminal trial tungkol sa insurrection charges kaugnay ng kaniyang martial law declaration, na may maximum sentence na kamatayan o habangbuhay na pagkabilanggo.