Presidente ng Argentina nagpositibo sa COVID-19
BUENOS AIRES, Argentine (AFP) — Inanunsyo ni Argentinian President Alberto Fernandez na nabakunahan na laban sa COVID-19, na nagpositibo sya sa sakit.
Sa kaniyang twee ay sinabi ni Fernandez . . . “At the end of today, after presenting a fever of 37.3 and a slight headache, I performed an antigen test, which was positive. I was waiting for the results of a PCR test to confirm the diagnosis.”
Ayon sa pangulo na nagdiwang ng kaniyang ika-62 taong kaarawan nitong Biyernes, maayos naman ang kaniyang pisikal na pakiramdam.
Aniya . . . “Although I would have liked to end my birthday without this news, I am also in good spirits.”
Si Fernandez ay binakunahan ng Russian Sputnik V vaccine, kung saan binigyan siya ng second shot noon lamang February 11.
Nahaharap ngayon ang Argentina sa second wave ng coronavirus, kung saan namamalaging mataas ang kanilang mga kaso.
Ang South American country na may 44 na milyong populasyon, ay nakapagtala ng higit 2.3 million infections at higit 55,000 na ang namatay dahil sa COVID-19.
© Agence France-Presse