Presidential Anti-Organized Crime Commission planong magsampa ng reklamong tax evasion at paglabag sa Securities and Regulation Code laban kay Mayor Alice Guo
Pinaghahandaan na ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagsasampa ng mga karagdagang reklamo laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Kaugnay ito sa pagkakadawit ni Guo sa operasyon ng mga illegal POGO companies sa kanilang lugar.
Sinabi ni PAOCC Spokerson Winston Casio na mga reklamong tax evasion ang ihahain nila laban kay Guo.
Bukod dito, ipaghaharap din ng mga reklamong paglabag sa Securities and Regulation Code ang alkalde at ang mga opisyal ng Zun Yuan, Hong Sheng Gaming Technology at Baufo Land Development.
Hindi pa batid ng PAOCC kung gaano ang halaga ng buwis na hindi nabayaran pero ito ay malaki.
Ayon kay Casio, makatutulong naman ang preventive suspension ng Tanggapan ng Ombudsman laban kay Guo sa patuloy na imbestigasyon sa sinalakay na POGO hub sa Bamban.
Moira Encina