Presidential car museum, pinasinayaan sa Quezon Memorial Circle
Kaalinsabay ng pagdiriwang sa 140th Birth Anniversary ni Pangulong Manuel L. Quezon ay ang pagpapasinaya ng National Historical Commission of the Philippineso NHCP ng Presidential Car museum sa Quezon Memorial Circle.
Tampok sa museum ay ang mga naging sasakyan ng mga nagdaang Pangulo na naging malaking bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Bukod sa NHCP, pinangunahan rin ng mga opisyal ng gobyerno at mgakawaning QC government ang pagpapasinaya.
Ilan sa mga makikitang klase ng sasakyan sa museum ay ang Chrysler airflow Custom Imperial CW at Cadillac V16 transformable town Car Cabriolet ni Quezon.
Karamihan sa mga itinampok na Presidential car ay ginamit mula sa panahon ni dating Pangulong Emilio Aguinalo hanggang kay Gloria Macapagal-Arroyo.
Dumalo rin sa nasabing event si Presidential spokesperson Harry Roque na nagsilbing panauhing pandangal at ilang mga kilalang personalidad gaya ni Israel ambassador to the Philippines Ephrain Ben Matityau.
Ayon kay Matityau, isa itong napakagandang proyekto ng gobyerno at tiyak na makatutulong lalu na sa mga susunod na henerasyon.
Ulat ni Earlo Bringas