Presidential Security Group (PSG), may bago nang commander
May napili nang bagong pinuno ng Presidential Security Group (PSG) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katauhan ito ni Col. Jesus Durante.
Si Durante ay kabilang sa Philippine Military Class ’92 at kasalukuyang Commanding officer ng Presidential escorts ni Pangulong Duterte.
Bukas gagawin ang Change of Command ceremony sa PSG ground sa Malakanyang.
Si outgoing PSG Commander Brig Gen. Jose Eriel Niembra ay ililipat ni Pangulong Duterte bilang Brigade Commander ng 701st Brigade ng Philippine army.
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: