Presidential son Paolo Duterte, posibleng ipatawag ng Kamara para humarap sa imbestigasyon ng nabunyag na suhulan sa BOC

Posibleng ipatawag ng mababang kapulungan ng Kongreso si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ito’y matapossiyang idinawit ni Customs’ broker Mark Taguba sa isa sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng Bureau of Customs kaugnay sa umano’y suhulan sa mga opisyal dito.

Ayon kay House ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua, bubuksan nila ang pagdinig para sa bise alkalde sa oras na banggitin muli ni Taguba ang alegasyon nito laban sa Davao group na nag-o-operate sa BOC.

Una rito, sinabi ni Taguba na malaki ang hinihinging tara ng aniya’y “Tita Nani” dahil sa Davao group na hawak aniya ng bise alkalde.

Pero binigyan-diin ni Taguba na hindi siya naniniwala rito, at sinabing tsismis lamang ito.

Dagdag pa nito, nane-name drop lamang ang Presidential son sa usapin.

Para naman kay Cua, hindi pa tiyak ang pahayag na ito ni Taguba kung kaya’t kanila pa itong kukuwestiyunin sa pagdinig ng kanyang komite bukas.

Samantala, ayaw na umanong magkomento pa ng nakababatang Duterte sa mga pahayag ni Taguba.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *