Presyo ng bigas unti-unting tumataas – PSA


Bumaba ang kabuuang rice stocks inventory ng Pilipinas noong Enero ngayong taon.

Ang kakulangan sa imbentaryo naka-apekto na umano sa inflation o pagmamahal sa presyo ng mga bilihin.

Sa datos, sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa ng Philippine Statistics Authority (PSA), na umabot sa 1.76 million metric tons ang imbentaryo ng bigas ng bansa noong Enero.

Mas mababa ito ng 5.5% kumpara sa kaparehong peryodo noong 2022.

At dahil kapos ang supply, unti unti nang tumataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

“Nakikita na naming, mabagal ang pagtaas. tumataas na ang presyo ng bigas,” dagdag pa ni Mapa.

Sa monitoring ng PSA, tumaas na ng 20 hanggang 60 sentimo ang kada kilo ng well-milled rice na pumapalo na mahigit P40 kada kilo.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *