Presyo ng manok sa mga pamilihan, bumaba

Sa gitna ng Avian Influenza outbreak sa Pampanga, bahagyang bumaba ang presyo ng manok at nabawasan ang suplay sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila.

Sa Balintawak market, bumaba sa isandaan at dalawampung (P 120) piso ang kada kilo ng manok mula sa dating isandaang at apatnapung piso (P 140) hanggang isandaan at limampung (P 150) piso kada kilo  bago napaulat ang pagkalat ng bird flu virus.

Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, nagbawas na ng nasa 4o porsyento ng suplay ang kanilang mga miyembro.

Ang mga store owners naman ay naghahanap ng mga poultry product brand na dumaan sa masusing inspeksyon upang matiyak na hindi maaapektuhan ng bird flu virus ang kanilang mga itinitinda.

Samantala, nasa 50 porsyento naman ang nalugi sa mga wet market sellers gaya sa Balintawak market sa lunsod Quezon dahil na rin sa takot ng mga mamimili na bumili ng manok kahit hindi sa Pampanga nagmula ang kanilang suplay.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *