Presyo ng manok tumaas ; kaya Bentahan sa palengke matumal
Matumal ang bentahan ng manok ngayon sa Mega Q Mart.
Ayon sa ilang nagtitinda ang mga mamimili iwas muna sa pagbili ng manok dahil sa mataas na presyo.
Tumaas kasi ng 10 hanggang 20 pesos ang Kada kilo ng manok na mabibili ngayon sa 200 hanggang 210 pesos ang Kada kilo.
Mataas rin daw ang kuha nila sa mga supplier dahil sa epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Hirap din ang mga mamimiling abutin ang presyo ng bilihin dahil pati ang presyo ng itlog apektado.
Nasa 10 hanggang 15 pesos ang itinaas sa isang tray ng itlog mula sa dating medium na 170, ngayon ay pumalo na sa 190 hanggang 195 pesos ang kada tray ng itlog.
Ang itlog na pula tumaas naman ng piso kada piraso kaya ang mga tindera walang magawa at napipilitang ibenta palugi o kaya’y puhunan ang kanilang mga produkto.
Ang iba bumabawi na lang daw sa pagbebenta ng Isaw, ulo ng manok at paa para kumita .
Kaya ang kanilang panawagan sa gobyerno solusyunan ang problema sa pagtaas ng krudo.
Meanne Corvera