Presyo ng mga bilihin sa mga lugar na nasalanta ng bagyong odette , pinababantayan sa PNP
Inatasan na rin ni PNP Chief police General Dionardo Carlos ang mga pulis na bantayan ang presyo ng mga pangunahing produkto sa mga lugar na sinalanta ng bagyong odette.
Ito ay upang makatulong sa Department of trade and industry o DTI sa pagpapairal ng “price freeze” sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.
Saklaw ng price freeze ang mga pangunahing bilihin gaya ng bigas,canned goods, karne ng babot , baka at manok; itlog, gatas , gulay,kape,asukal,mantika, asin at essential na gamot.
Please follow and like us: