Presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo napako pa rin sa 4.5 percent noong Abril
Nakapako pa rin sa 4.5 percent ang inflation o presyo ng mga pangunahing pagkain at serbisyo nitong abril.
Ayon sa Philippine Statistic Authority, kapareho lang ito ng naitalang inflation noong Marso pero mas mataas kumpara sa 2.2 percent inflation noong april ng 2020.
Sinabi ni National Statistician Usec Dennis Mapa, pangunahing mag- ambag sa inflation ay ang mataas pa rin na presyo ng karneng baboy at isda, tulad ng galunggong na pumalo sa 6 percent.
Sa Metro manila, umaabot na aniya sa 360 pesos ang average ng kada kilo ng bagong katay na baboy mas mataas kumpara sa 329 kada kilo noong marso.
Gumalaw rin ang presyo ng harina, cereal, tinapay at pasta. Nakaapekto rin ang mataas na singil sa pamasahe lalo na sa tricycle na pumalo sa 4.8 percent at presyo ng gasolina.
Mataas rin ang goods and services gaya ng singil sa mga barbershop at mga restaurants.
Sa National Capital Region naitala ang presyo ng mga bilihin at serbisyo sa 3.7 percent sa buwan ng abril ngayong taon doble ang itinaas kumparara sa 1.2 percent na naitala noong 2020.
Ang Region V o Bicol Region ang may pinakamataas na inflation na may 7.9 percent habang, ang pinakamababa ay ang Region VII o Central Visayas na may 1.9 percent inflation nitong Abril.
Meanne Corvera