Presyo ng siling labuyo, sumirit sa  halos P600/K

Mula sa singkuwenta pesos, sumirit sa  halos 600 pesos ang kada kilo ng siling labuyo kasunod ng pananalasa ng mga bagyo sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture, ito ay sa nakalipas lamang na isang linggo.

Sa datos ng ahensya, pumalo sa 1.23 billion ang pinsalang idinulot ng mga bagyong Kristine at Leon sa mga high-value crop, katumbas ng higit 10 thousand hectares na pinsala at higit 46 thousand metric tons production loss.

Samantala, maliban sa siling labuyo,nananatiling mataas din ang retail prices ng ilang gulay.

Habang presyo naman ng kada kilo ng bigas ay asahan na tataas ng piso hanggang 2 piso

sa disyembre dahil sa mataas na demand.

Samantala,tiniyak naman ni Arnel de Mesa, DA Assistant Secretary na walang magiging kakulangan sa suplay ng agriculture products sa pagsapit ng holiday season.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *