Prime Minister ng France, nagpositibo sa COVID-19
Inihayag ng tanggapan ni French Prime Minister Jean Castex na nagpositibo ito sa Covid-19 test, at sasailalim na sa 10 araw na quarantine habang patuloy sa pagganap sa kaniyang tungkulin.
Agad anilang kumuha ng PCR test si Castex makaraang madiskubre na nagpositibo sa Covid test ang isa sa mga anak niyang babae.
Si Castex ay galing sa Brussels Lunes ng umaga, upang makipagkita sa kaniyang Belgian counterpart na si Alexander De Croo.
Sinamahan siya sa biyahe ng ilang niyang senior colleagues, kabilang si French Interior Minister Gerard Darmanin at Europe Minister Clement Beaune.
Ang 56-anyos na opisyal ay fully vaccinated na at hindi pa nagpositibo sa Covid sa mga nakaraang panahon. (AFP)