Prince Charles, muling nagpositibo sa Covid-19
Inanunsyo ng Clarence House na muling tinamaan ng COVID-19 si Prince Charles.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng Covid si Prince Charles. Una siyang nahawaan nito noong March 2020.
Kaugnay nito ay kusa namang nagself-isolate ang 83-anyos na prinsipe upang maiwasang mahawa ang kaniyang household staff.
Disyembre ng nakalipas na taon, si Prince Charles at ang asawang si Camilla, Duchess of Cornwall, ay kapwa naturukan na ng COVID-19 vaccine booster shots.
Please follow and like us: