Prince Harry at Meghan Markle, bumisita sa Scotland
Nagpatuloy ang pre-wedding tour nina Prince harry at fiance na si Meghan Markle sa pamamagitan ng pagbisita sa Scotland.
Daan-daang well-wishers ang bumati sa magkasintahan sa Edinburg.
Sinimulan ng magkasintahan ang pagbisita sa Edinburgh Castle, isa sa pinakasikat na landmark sa Scotland.
Ito na ang pang-apat na official engagement ng dalawa kung saan ipinakilala ni Prince Harry si Markle bilang kaniyang kasintahan sa iba’t-ibang bahagi ng Britanya.
Plano rin nila na harapin ang publiko sa pamamagitan ng iba’t-ibang organisasyon na sangkot sa Community work.
Sina Prince Harry at Markle ay nakatakdang ikasal sa Windsor castle sa May 19.
=== end ===