Prince William balik na sa kaniyang royal duties
Dahil sumasailalim sa gamutan ang kaniyang amang si King Charles III sanhi ng cancer at ang kaniyang asawa naman ay nagpapagaling mula sa operasyon, babalik na si Prince William ng Britanya sa royal frontline duties ngayong Miyerkoles.
Ang nakabibiglang cancer diagnosis ng hari na inanunsiyo noong Lunes, at ang abdominal operation ni Catherine, Princess of Wales, ay naglagay ng mabigat na pasanin sa balikat ni William.
Matatandaan na ipinagpaliban ng 41-anyos na si William, panganay na anak ni King Charles at tagapagmana ng trono, ang kaniyang public engagements upang alagaan ang kaniyang asawa at ang tatlo nilang mga anak, makaraan itong ma-admit sa ospital noong January 16.
Subalit babalik na siya ngayong Miyerkoles upang magbigay ng pagkilala sa mga mamamayan na may nagawang mabuti na gaganapin sa Windsor Castle, bago siya dadalo sa London Air Ambulance annual fundraising gala sa central London.
Inaasahang siya na rin ang gagawa sa ilang trabaho ng kaniyang ama habang ito ay nagpapagamot, sa tulong ng kapwa niya senior royals na sina Princess Anne at asawa ni Charles na si Queen Camilla.
Hindi pa tinutukoy ng Buckingham Palace kung ano ang uri ng cancer na dumapo sa 75-anyos na hari, bagama’t nauunawaan nang hindi iyon prostate cancer.
Sinabi naman ni UK Prime Minister Rishi Sunak, “It had been ‘caught early.’ The diagnosis comes just 17 months into his reign following the death of his 96-year-old mother, Queen Elizabeth II, on September 8, 2022.”
Samantala, lumipad pabalik sa UK ang bunsong anak ni Charles na si Prince Harry nitong Martes.
Pagkatapos nito ay nakita si Charles na mas relax na ang itsura, na umalis mula sa kaniyang Clarence House residence sa London upang magtungo sa Sandringham, ang kaniyang country estate sa eastern England.
Ang balita ng pag-uwi ni Harry ay nagdulot ng mga espekulasyon na magiging daan din ito upang maresolba na ang tensiyon sa kanilang pamilya.
Gayunman, inilarawan ng royal commentator na si Richard Fitzwilliams, “The rift between Harry, also known as the Duke of Sussex, and the rest of the royal family is ‘very deep.’”
Partikular na hindi maganda ang relasyon ni Harry sa kaniyang kapatid na si William.
Nagpahayag naman ng simpatiya ang publiko para kay William, na napansin nilang nahaharap ngayon sa dobleng pasanin ng pagpapanatili ng kanyang buhay pampamilya at mga opisyal na tungkulin.
Sinabi ng pensioner na si Sue Hazell, “He’s got a hard job because his wife is poorly at the moment, so that’s an added pressure on poor William, but I’m sure that he will cope.”
Si Kate ay inaasahang hindi makapagtatrabaho hanggang sa March 31, ayon sa kaniyang tanggapan sa Kensington Palace.
Wala ring ibinigay na detalye ang mga opisyal tungkol sa kaniyang operasyon, maliban sa pagsasabing wala iyong kaugnayan sa cancer.
Ayon sa 44-anyos na Canadian tourist at entrepreneur na si Sarah Paterson, “William must be ‘beside himself’ given the recent deaths of his grandfather and his grandmother, along with the health problems faced by his father and his wife.”
Ngunit aniya, “I was ‘1,000 percent’ confident that William would be a good stand-in. I think he’ll probably be king sooner than he hoped.”
Ang hari ay umani ng papuri sa pagiging bukas tungkol sa kaniyang kondisyon, isang pagbabago mula sa tradisyon ng isang pamilyang kilala sa pagiging lubhang maingat tungkol sa personal nilang isyung pangkalusugan.
“It’s a great image to have someone who speaks about his problems like this,” sabi ng Italian tourist na si Giacomo Lanza,