Princess Kate, magkakasunod na pagkakataong nagpakita sa publiko, na bihirang mangyari, makaraan ang kaniyang cancer diagnosis

Britain's Catherine, Princess of Wales, smiles from the balcony during the National Service of Remembrance at The Cenotaph in London, Britain, November 10, 2024. Chris Jackson/Pool via REUTERS

Dumalo sa Remembrance Sunday ceremony sa London si Princess Kate ng UK, na ikalawa na niyang public appearance sa loob ng dalawang araw, habang unti-unti siyang bumabalik sa kaniyang public duties matapos ang treatment ng kaniyang cancer.

Nanood siya mula sa balkonahe ng isang government building habang ang mga miyembro ng royal family, kasama si King Charles, at mga pulitiko ay naglagay ng wreaths sa The Cenotaph war memorial sa central London.

Ang Princess of Wales ay nakasuot ng isang itim na sumbrero at jacket na napapalamutian ng red poppies, na isinusuot ng mga Briton bilang isang simnolo ng respeto para sa mga namatay sa giyera.

Noong Sabado (Nov 9), nakita rin siya sa Festival of Remembrance sa Royal Albert Hall ng London.

Undated handout screengrab taken from a video provided by The Kensington Palace of the Princess of Wales obtained by Reuters on September 9, 2024, video taken in August in Norfolk. Will Warr/Kensington Palace/Handout via Reuters/File Photo

Noong Setyembre, ay sinabi ni Princess Kate na tapos na ang kaniyang chemotherapy, subalit malayo pa ang kaniyang landas para sa tuluyang paggaling.

Sinabi rin ng 42-anyos, na magsasagawa siya ng ilang public engagements sa mga huling bahagi ng taon.

Bago ang dalawang nabanggit na event nitong Sabado at Linggo, si Kate ay huling nakita ng publiko noong Oktubre nang dumalaw siya sa nagluluksang pamilya ng tatlong batang babae, na pinatay sa isang dance class sa north-west England.

Ang seremonya sa Cenotaph war memorial ay idinaraos sa pinakamalapit na Linggo sa Nov 11 bilang tanda ng pagtatapos ng World War One, at magbigay ng tribute sa mga namatay sa giyera.

Samantala, sa kaniyang pagbisita sa South Africa noong nakaraang linggo, ay sinabi ng asawa ni Princess Kate na si William, na siyang tagapagmana sa trono, “The past year had probably been the “hardest” of my life after Kate and my father Charles were diagnosed with cancer.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *