Prinsipe ng Saudi lalagda ng isang kasunduan sa Greece para sa mas murang enerhiya
Inanunsiyo ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman, ang bilateral projects nito sa hinaharap sa Greece kabilang na ang para sa isang power cable sa pagitan ng dalawang bansa na makapagbibigay sa Europe ng “mas murang renewable energy”.
Si Prince Mohammed ay dumating sa Greece nitong Martes para sa una niyang biyahe sa Europe at nakatakdang tumuloy sa France sa huling bahagi ng linggong ito.
Sa isang press conference sa Athens, kapitolyo ng Greece kasama si Prime Minister Kyriakos Mitsotakis, ay sinabi ni Prince Mohammed . . . “I believe we have… historical opportunities, that we are going to finalize a lot of it today. This would include linking electricity grids to provide Greece and southwest Europe through Greece with… much cheaper renewable energy.”
Sinabi ng Greek foreign ministry, na ang mga kasunduan sa maritime transport, energy at defense technology kasama ng iba pang mga bagay ay nakatakdang lagdaan ngayong Miyerkoles.
Ang biyahe ni Prince Mohammed sa Europe ay wala pang dalawang linggo makaraang bisitahin ni US President Joe Biden ang siyudad ng Jeddah sa Saudi para sa summit ng Arab leaders at makipag-one-on-one sa prinsipe.
Kamakailan ay tumanggap din si Prince Mohammed ng pagpapalakas mula kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan, na bumisita sa Saudi Arabia noong Abril, at tinanggap ang pagbisita ni Prince Mohammed sa Turkey noong Hunyo.
Makaraang magbunsod ng pagtaas sa halaga ng enerhiya ngayong taon ang ginawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine, nakaranas ng pressure ang Saudi Arabia mula sa United States at European powers na mag-produce pa ng dagdag na langis.
Gayunman, hindi nagpadala sa pressure ang pinakamalaking crude exporter sa buong mundo, banggit ang commitment nito sa production schedules ayon sa itinakda ng OPEC+ exporting bloc na kapwa nila pinangungunahan ng Russia.
Noong Mayo, sinabi ni Saudi Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan na nagawa na ng kaharian ang magagawa nito para sa oil market.
© Agence France-Presse