Pro-democracy figures ng Hong Kong, nakatakdang humarap sa pinakamalaking national security trial
Lilitisin na ngayong Martes ang pinakamalaking national security case ng Hong Kong, makaraang tumagal ng 15 buwan ang pre-trial procedures kung saan karamihan sa 47 defendants ay hindi pinayagang magpiyansa.
Sa ilalim ng security law, na ipinatupad ng Beijing imposed noong 2020 fkasunod ng malalaki, at minsan ay mararahas na democracy protests, ang pro-democracy figures ay kinasuhan ng “conspiracy to subversion” para sa pag-o-organisa ng isang hindi opisyal na primary election.
Ang Subversion ay isa sa apat na pangunahing krimen sa ilalim ng security law na maaaring magpataw ng parusa ng hanggang sa habangbuhay na pagkakabilanggo.
Ang mga nasasakdal, na ang edad ay nasa pagitan ng 24 at 66, ay kinabibilangan ng mga demokratikong inihalal na mambabatas at mga konsehal ng distrito, gayundin ang mga unyonista, academics at iba pa, na ang mga pampulitikang paninindigan ay mula sa katamtamang mga repormista hanggang sa mga radikal na lokalista.
Ang kaso ay unang dinala sa korte noong March 2020, kung saan karamihan sa 47 ay hindi pinayagang magpiyansa matapos ang apat na araw na marathon hearing sa harap ng isang hukom na pinili ng gobyerno para lumitis sa national security cases.
Karamihan sa mga pagdinig bago ang paglilitis sa nakalipas na 15 buwan, bagama’t ginanap sa isang bukas na hukuman, ay napapailalim sa mga paghihigpit sa pag-uulat — na paulit-ulit na tinatanggihan ng korte ang mga aplikasyon mula sa mga nasasakdal at mga mamamahayag para maalis sila.
Family members and legal representatives have told AFP that the opaqueness has made the defendants “frustrated and depleted”, and allowed the prosecution to “move the goalposts”.
Pagkatapos ng tatlo at kalahating araw na pagdinig na nagsimula noong Miyerkules at Huwebes ng nakaraang linggo at natapos noong Martes, lahat maliban sa isa sa 47 nasasakdal ay itinalaga sa isang senior court ng Principal Magistrate na si Peter Law, isa sa mga hukom ng pambansang seguridad.
Noong Miyerkoles, inanunsiyo ni Law na 17 nasasakdal ang itinalaga para litisin.
Kinabibilangan ito ng beteranong aktibista na si “Long Hair” Leung Kwok-hung, barrister na si Lawrence Lau, at mamamahayag na naging aktibista na si Gwyneth Ho.
Ang 29 na iba — kabilang ang legal scholar na si Benny Tai, na isa rin sa mga lider ng “Occupy Central” movement noong 2014 — ay itinalaga para litisin nitong Lunes at ngayong Martes.
Ang mga nasasakdal na nagsumite ng isang non-guilty plea ay itinalaga para litisin, habang ang mga nag-plead ng guilty ay itinalaga para sentensiyahan ayon sa Magistrates Ordinance.
Ang isang namumukod-tanging nasasakdal ay isasama na sa pangkat mamaya pagkatapos ng karagdagang paglilitis sa harap ng mahistrado.
Ang Hong Kong ay nahaharap sa pagsusuri kung ang legal na sistema nito ay maaaring makapagpanatili sa kaniyang kalayaan, habang pinipigilan ng China ang mga hindi sang-ayon sa security law.
Higit sa 180 katao na ang inaresto sa nakalipas na dalawang taon simula nang ipatupad ang security law — na ang nakararami sa kanila ay mga aktibista, unyonista at mga mamamahayag — at 115 ang isinakdal.
Tatlong lalaki ang nahatulan at nasentensiyahan ng pagkakulong sa loob ng 43 buwan hanggang siyam na taon. Ang isa sa kanila ay naghangad na i-apela ang kanyang 69 na buwang sentensiya noong Martes, kung saan ang hatol ay sa unang bahagi ng Setyembre pa nakalaang ibaba.
Ang 47 nasasakdal ang bumubuo sa pinakamalaking grupo sa iisang kaso sa ilalim ng batas.
Sinabi ng mga awtoridad na matagumpay na naibalik ng security law ang katatagan sa Hong Kong na siyang sentro ng pananalapi, na binago sa loob ng pitong sunod na buwan ng malalaki at kung minsan ay marahas na protesta noong 2019.
Ngunit sinasabi ng mga kritiko, na inalis nito ang kalayaang sibil at ang political plurality na tinatamasa noon ng lungsod.
© Agence France-Presse