Problema sa pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa, maaari pang mapapababa ayon sa United Nation
Isang libo at isang daang kaso ng HIV infection sa bansa ang naitala ng Department of Health , nito lamang nakalipas na Mayo.
Ayon sa DOH, ito ang pinakamataas na naitalang kaso mula nang magsimula silang magtala noong 1984.
Sinabi ni Health Sec. Paulyn Ubial umabot sa sampung libo at limang daang mga Pilipino ang dinapuan ng HIV noong 2016.
Doble ang pagtaas nito mula sa apat na libo at tatlong daan noong 2010.
Sinabi pa ni Ubial na mas mataas ang bilang ng mga lalaking dinadapuan ng HIV infections.
Ito ay dahil sa pakikipagsiping sa kapwa lalaki.
Para naman sa United Nations, maaari pa umanong mapigilan ang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa kung matututukan lang ng gobyerno ang suliraning ito.
Ulat ni: Anabelle Surara