Problema sa plastic card sa drivers license wala pang katiyakang mareresolba ayon sa LTO

Inamin ng Land Transportation Office o LTO na wala pang katiyakan kung matatapos na ang problema sa suplay ng plastic card para sa drivers license.

Sa budget deliberations ng House Committee on Appropriations sa pondo ng Department of Transportation o DOTr na nagkakahalaga ng 214.296 billion pesos sinabi ni lto Chief Assitant Secretary Vigor Mendoza na hinihintay na lamang na alisin ang temporary restraining order o TRO na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court na humadlang sa pagtanggap ng LTO ng plastic card materials na ginagamit sa pag-iimprenta ng mga drivers license.

Ayon sa LTO kung tuluyang maglalabas ng injunction order ang hukuman sa supplier ng mga plastic card materials patuloy na ipapatupad ang paggamit ng electronic drivers license at extension sa validity ng mga drivers license na magpapaso na ngayong taon.

Ang LTO ay binigyan ng 4.799 bilyong piso na pondo mula sa 214.296 billion pesos na budget ng DOTr para sa taong 2024.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *