Problema sa Teeth Grinding
Kumusta na kayo? Pag-usapan natin ang isa mga seryosong problema na madalas na binabalewala lamang, ang teeth grinding.
Alam po ba ninyo na hindi ordinaryong problema ang teeth grinding? once na may ganitong problema ang bata o matanda, ibig sabihin lang, may warning, that you have a big oral health problem.
Ang teeth grinding po ay nagpapahayag na hindi maganda ang paghinga ninyo, kinakapos sa hininga.
Kulang sa oxygen kaya maingay. May upper airway restriction syndrome ang tawag.
Binabalewala lang ng marami ang ganitong kundisyon, sa bata o matanda man.
Akala natin okay lang kung mag teeth grinding, naku, hindi po!
Actually sa teeth grinding hindi lang oral health ang apektado kundi ang total health ng isang tao .
Sa teeth grinding, puwede kang magka- hypertension, ma- stroke.
Sa halip kasi na diretso ang hangin sa baga, sa puso, o sa ulo ay hindi maka diretso ang hangin dahil napipigilan o restricted, kasi nanggigil, may pressure kaya dun nakukuha ang medical problem.
Ang isa pa na associated sa teeth grinding ay ang stress, maging ang concentration ay apektado rin.
Samantala, paano malalaman kung nag- teeth grinding ang isang tao?
Sa paggising ay masakit ang panga, nangangalay ang leeg, nangangalay ang balikat, ibig sabihin, hindi normal kapag natutulog dahil galaw ka ng galaw, napapagod pati ang katawan.
Minsan din paggising ay masakit ang tenga.
Ang pressure kasi ng ‘grinding’ ay malakas. Biruin mo ilang oras na ang ngipin ay nagga-grind o naggigiling kaya nakakapagod talaga.
At doble ang problema kapag naghihilik na tapos nag- teeth grinding pa!
Ano ngayon ang solusyon?
Ang maipapayo ko ay komunsulta sa isang functional dentist.
Kasi, unang-una, maraming dahilan ang teeth grinding, hindi masosolusyunan ang problema kapag hindi alam ang root cause nito.
Kung basta gagamit lang ng mouthguard na over-the -counter, hindi ito sapat.
Paano kung may problema sa gums o sa gilagid?
Kaya nga ang pinakamabuti, komunsulta sa isang espesyalista para maibigay ang proper treatment.