Programa ng DOLE na “Free Bis,” umarangkada na sa Ilagan, Isabela
Isangdaang bisikleta, helmet, therman box, at android cellphone na may load na limang libong piso, ang ipinamahagi ng Department of Labor (DOLE), sa lungsod ng Ilagan.
Ang mga ipinamigay ay bahagi ng Integrated Livelihood Program ng DOLE, na may layuning tulungan ang mga manggagawang nasa formal at informal sector, na nawalan ng ikinabubuhay dahil sa pandemya.
Isa si Michael mula sa Barangay Marana 3rd ng Ilagan city, sa nabuhayan ng loob at masayang masaya dahil sa natanggap, na aniyay malaking tulong sa mga tulad niyang nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi naman ni Charibel Talattu mula sa Barangay Lullutan, na tamang tama ang bisikletang bigay ng DOLE dahi magagamit niya iyon sa pagde-deliver ng kaniyang mga lutong paninda.
Wala namang naging kasunduan ang labor department at ang siyamnapu’t isang mga barangay na naging benepisyaryo ng Free Bis program ng kagawaran, ngunit hiniling ng DOLE at maging ng lokal na pamahalaan, na gamitin nila sa kapaki-pakinabang na bagay ang ayudang natanggap mula sa pamahalaan.
Ulat ni Erwin Temperante