Programang pangkabuhayan para sa mga mag-aaral, isinagawa sa Olongapo
Nagsagawa ng orientation para sa mga kabataan, ang Special Program for the Employment of Students o SPES, na ginanap sa Brgy Sta. Rita, sa lungsod ng Olongapo.
Mahigit sa 50 kabataang mag-aaral ang dumalo sa nasabing orientation, batay sa pagpili o rekomendasyon ng kanilang barangay.
Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng Brgy. Sta. Rita na si Rodman Barroga, at ng Youth Welfare and Development Coordinator na si Ms. Aisha Ace Balagtas na kinatawan ng Olongapo City Hall, ay naisakatuparan ang nasabing orientation.
Layunin ng SPES na matulungan ang anila’y “poor but deserving students” sa lungsod.
Sa pamamagitan ng naturang programa, ang isang mag-aaral ay matutulungan sa kaniyang mga pangangailangan sa pag-aaral.
Siniguro naman ng pamunuan ng barangay ang kaligtasan ng mga nagsilahok, at nasunod ang safety at health protocols sa ginanap na orientation.
Ulat ni Sandy Pajarillo