Proseso ng impeachment, hiniling na linawin ng Korte Suprema

0
SUPREME-COURT-BUILDING-540x340-2

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang isang senior highschool teacher para ipalinaw sa mga mahistrado ang proseso ng impeachment sa harap ng impeachment case laban kay Vice- President Sara Duterte.

Sa kaniyang petisyon, nais ng petitioner na si John Barry Tayam na malaman kung ang terminong “forthwith” sa ilalim ng probisyon ng Saligang Batas ukol sa impeachment, ay nangangahulugan na simulan kaagad ng Senado ang impeachment trial sa oras na matanggap ang impeachment complaint mula sa Kamara.

Hiniling din niya sa SC na tukuyin kung labag ba sa Konstitusyon o kung may delay na sa proseso ang hindi agad pag-aksyon ng Senado.

Sa timetable ng Senado, sa July 30 pa o sa pagbubukas ng susunod na Kongreso pa ang tentative na petsa na pagsisimula ng impeachment trial dahil hindi maaaring magconvene ang kasalukuyang Senado habang naka-session break.

Ayon kay Tayam, “I would just like to ask ano ba ibig sabihin ng forthwith kasi iba naman interpretation ni Senatpr chiz at the same time iba-iba rin interpretation ng ibang legal expert. At the same yung constitutionality na ipapasa burden ng impeachment from 19th congress to 20th congress. Nothing political dito, at walang nagsabi na gawin ko ito, it’s just concerned lang po and pure patriotism and respect sa constitution.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *