Proseso ng pagpapauwi kay dating Cong. Teves, isinasapinal na ng DOJ

Department of Justice Spokesperson Mico Clavano

Bilang na ang mga araw ni dating Congressman Arnulfo Teves Jr., na pangunahing akusado sa Degamo murder.

Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano, matapos na ibasura ng korte sa Timor Leste ang apela ni Teves sa extradition nito.

Ayon kay Clavano, isinasapinal na ng pamahalaan ang extraction operations.

Aniya, confidential ang proseso at iba pang detalye ng pagpapabalik kay Teves sa bansa.

Samantala, ayaw nang patulan ni Clavano ang pahayag ng mga abogado ni Teves na fake news ang sinabi ng DOJ na ibinasura ng Court of Appeals ng Timor- Leste ang apela ng dating kongresista laban sa extradition.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *