Protesta sa karahasan laban sa mga kababaihan, sumiklab sa Mexico

Protesters gather during a demonstration on the International Day for the Elimination of Violence against Women outside the Government Palace in Mexico City, on November 25, 2020. Demonstrators marched through the Mexican capital and scuffled with police during an angry protest at widespread violence against women in the Latin American nation. VICTORIA RAZO / AFP

MEXICO CITY, Mexico (AFP) – Nagmartsa ang mga demonstrador sa kapitolyo ng Mexico, at nakipagtalo sa mga pulis sa protesta laban sa malawakang karahasan sa mga kababaihan doon.

Inakusahan ng mga aktibista ang gobyerno na hindi gumagawa ng sapat na hakbang para resolbahin ang problema.

Araw-araw ay nasa sampung mga babae ang napapatay sa Mexico.

Libo-libong protesters ang humihingi ng katarungan para sa maraming biktima ng  “femicides” kasabay ng International Day for the Elimination of Violence against Women.

Nagmartsa ang mga raliyista sa main square ng Mexico city, kung saan ilan sa mga ito ay lumaban pa sa mga riot police na nagtangkang pigilan sila na sirain ang pader ng presidential palace at dumihan ang cathedral sa pamamagitan ng pintura.

Sinabi ni Interior Minister Olga Sanchez, na nasa 3,800 babae ang pinapatay sa Mexico bawat taon, habang anim sa sampu ang dumanas naman ng ilang uri ng agresyon sa nakalipas na mga dekada.

Dumami ang mga protesta laban sa gender violence sa nakalipas na taon sa kapitolyo at iba pang bahagi ng Mexico.

© Agence France-Presse

 

Please follow and like us: