434 years foundation day ng Munisipalidad ng Pililla, Rizal ipinagdiwang
Hindi na kailangan pang bumiyahe ng kalahating araw para masilayan o makita ng wind mill farm sa Ilocos, dahil sa loob lamang ng dalawang oras mararating mo na at mae-experence ang naglalakihang wind mill farm ng Pililla, probinsya ng Rizal.
Tiyak na kamangha mangha ang magagandang tanawin dito dahil over looking view ng Laguna Lake at Rizal.
Sa kauna unahang pagkakataon isinagawa ng lokal na pamahalaan ang pagdiriwang sa foundation day ng Pililla.
Ipinagdiriwang ngayon ang ika 434 taong anibersaryo ng Municipality of Pililla.
Payak man at simple ang pamumuhay ng karamihan sa mamamayan dito, ang bayang ito ay mayaman sa kasaysayan at kultura.
Pagsasaka at palaisdaan ang pangunaging hanapbuhay ng mamamayan sa bayang ito.
Kabilang ang Pililla sa class A municipality o first class in urban category ng bansa dahil sa malaking collection ng revenue sa wind mill farm dito.
Subalit aminado ang bagong alkalde ng Pililla na matagal na natutulog ang bayan ito sa larangan ng kaunlaran sa negosyo at imprastraktura.
Naglunsad ng mga aktibidad ang lokal ng pamahalaan para hikayatin at pag isahin ang mamamayan ng Pililla.
Naglunsad din ng iba’t ibang pa-contest para sa mga kabataan, gaya ng poster making competition at kids got talent.
Naglunsad pa ng job fair para sa mga naghahanap ng trabaho at search for lakan at lakambini of Pililla, balikbayan business socials, para himukin na muling bumalik sa Pililla at mamuhunan ng negosyo.S
a tala ang Pililla ang nangunguna sa mga dinarayo ng mga turista sa buong lalawigan ng Rizal.
Ulat ni: Gerald Rañez