Proyektong Eskwelantine isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng barangay Luksuhin, ilaya sa Alfonso Cavite

Aabot sa 80 mga estudyante na nasa Junior/Senior High school at kolehiyo ang nabigyan ng mga self learning kits at study table sa barangay Luksuhin ilaya, Alfonso Cavite.


Ito ay bahagi ng proyektong Eskwelantine ng mga opisyal ng SK sa naturang barangay sa Alfonso, Cavite  sa pangunguna ni SK President Krystel Faye Alcazar kasama ng mga opisyal nito.


Layon ng proyektong ito ng Sangguniang Kabataan sa brgy. Luksuhin na matulungan ang mga estudyante sa kanilang baranggay na nasa illalim ng blended learning approach na ipinatutupad ng DepEd. 


Nangako naman ang mga opisyal ng SK ng brgy. Luksuhin ilaya, na ipagpapatuloy pa nila ang mga ganitong proyekto sa kanilang lugar para matugunan at patuloy na matulungan ang mga mag aaral sa kanilang barangay lalo na ang mga walang kakahayan na makabili ng mga gamit pang eskwela. 

photo credit: SK Luksuhin ilaya

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: