Proyektong “Responsible Sunshine” inilunsad ng mga SK official ng Barangay Upli, sa Alfonso Cavite
Inilunsad ng mga opisyal ng Sangguniang kabataan ng barangay Upli sa Alfonso Cavite ang kanilang proyektong “Responsible Sunshine”.
Ang proyektong ito ay naglalayong turuan ang mga mag aaral na nasa elementarya na magbasa at masulat lalo na ang mga mag aaral na gumagamit ng Self Learning Module mula sa DepEd.
Katuwang ng proyektong Responsible Sunshine, ay ang mga Guro at School principal ng Upli Elementary School, kasama ang programa ng lokal na pamahalaan ng Alfonso Cavite na READING ADVOCACY IN NURTURING THE YOUTH.
Ang proyekto ding ito ay isang uri ng pagbibigay ng tutorial services para tulungan na rin ang mga magulang at guro sa kanilang barangay at matutukan sa pagbabasa at pagsusulat ng mga mag aaral.
Nagsilbi ding mga para-teachers ang mga opisyal ng SK, mga pulis at maging ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Alfonso,Cavite kasama ang kanilang alkalde.
Isinasagawa nila ang pagtuturo tuwing mga araw ng Martes, Huwebes, Sabado at Linggo.
Ulat ni Jet Hilario