Proyektong “Train Wrap” ng DOH, lalong ipinapalaganap
Lalo pang ipinapalaganap ng Department of Health o DOH sa publiko ang kampanya tungkol sa malusog na pamumuhay.
Magugunita na naglunsad ang DOH ng proyektong tinawag na “Train Wrap”.
Sa ilalim ng “Train Wrap” nagkabit ang DOH ng mga mensaheng pangkalusugan para sa kaalaman ng publiko.
Makatutulong umano ang naturang proyekto upang makaiwas ang tao sa mga uri ng sakit tulad ng non-communicable diseases.
Kabilang sa mababasa sa “Train Wrap” ay pamalagiing naghuhugas ng kamay, wastong pag uugali kapag inuubo, pag iwas sa Dengue , pagbabakuna sa bata, pagdo-donate ng dugo, pag iwas sa hiv/aids at pagsusulong ng malusog na uri ng pamumuhay.
Samantala, ayon naman sa isang Holistic Doctor, kabilang sa paraan ng pagpapanatiling malusog ng katawan ay ang pag iwas sa pagkain sa fast food.
Dra. Imelda Edodollon:
“Let us first removed the bad, ang masama ho dyan kapag lagi fast food, medyo iwas iwas muna tayo, i limit, bilangin natin nakapag-fast food ako ngayon, okay, one, two, tama na yun, next week ulit, let’s make it a point that ang pagkain natin ay laging gourmet, alam mo po ba ang tagalog ng gourmet…lutong bahay…mas maganda ho ung lutong bahay ung ating kinakain kasi lesser on the processing”.
Ulat ni Belle Surara