Proyektong “TUPAD” at “Freebis” ng DOLE sinimulan nang ipatupad sa Bacoor City, Cavite

Sinimulan nang ipatupad ng Bacoor City Government ang Proyekto nitong Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced workers  o TUPAD ng Dept. of Labor and Employment.


Ang naturang proyekto sa Bacoor City ay para sa mga kabataang nagsipagtapos ng kanilang pag-aaral sa kanilang lungsod.


Ang proyektong ito ng DOLE ay inaasahang makakapagbigay ng suporta sa mga kabataan para makapagsimula ang mga ito ng trabaho at makapagbigay ng tulong sa pang araw-araw na gastos para ng kanilang pamilya.


Samantala, ilang mga manggagawa o empleyado naman  mula sa Bacoor City pa rin ang nabigyan ng libreng bisikleta sa pamamagitan ng programa nitong “Freebis” o Free bisikleta.


Ang proyektong ito ng pamahalaang panglungsod ng Bacoor ay sa ilalim pa rin ng Integrated Livelihood Program ng DOLE na naglalayong makatulong sa mga nawalan ng kabuhayan sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pamimigay ng livelihood opportunities para sa mga manggagawa na nasa formal at informal sector. 

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: