PRRD, ipinag-utos ang paglimita sa paggamit ng publiko sa face shield
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force o IATF Technical Working Group na limitahan na ang paggamit ng publiko sa face shield bilang karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na hindi na inoobliga ang taongbayan na magsuot ng face shield kung nasa open area.
Ayon sa Pangulo batay sa rekomendasyon ng Technical Working Group ibabatay sa tatlong C ang pagsusuot ng face shield.
Inihayag ng Pangulo ang tatlong C ay kumakatawan sa Closed, Crowded at Close Contact.
Niliwanag ng Pangulo obligadong magsuot ng face shield kung papasok sa mga saradong lugar tulad ng building at pampublikong sasakyan, crowded na lugar gaya ng mga social gatherings at close contact o mayroong mga kaso ng COVID-19 sa lugar.
Magugunitang matagal ng pinupuna ang paggamit sa Pilipinas ng face shield dahil sa ibang bansa ay tanging mga medical frontliners ang gumagamit nito.
Part of PRRD’s statement:
“Let’s begin with the use of the face shield, ‘yung nakatakip sa mukha. I was informed of the recommendation from the Technical Advisory Group and medical experts that the use of face shield on top of face mask may be limited to high risk activities under the “Three Cs”: closed, crowded, pati close contact. This will include indoor establishments and transport, gatherings, other activities that promote close contact as applicable”.
“Ngayon, sabi ko takot ako sa — lalo na ‘yung pagdating ng COVID D. I got so scared that I ordered the reimposition of the face shields. Ang akin naman nito sabi ko any — maski gaano kaliit ‘yung contributing — contributing factor niya to avoid COVID, okay na lang. What’s inconvenience? But I was informed that itong the Technical Advisory Group and the medical experts on the use of face shields, ah puwede na tanggalin sa labas”.
“No more face shields outside.Ang limitasyon, ang face shields gamitin mo Three Cs, three C — s with “s”, Three Cs: closed whatever facility, ospital o basta magkadikit-dikit; crowded, ganoon rin, it’s a crowded room tapos closed lahat, mas delikado; and saka ang close contact, kung magkadikit-dikit ang tao. So diyan applicable pa rin ang face shield”.
Vic Somintac