PRRD, isinailalim sa State of Calamity ang buong bansa dahil sa kaso ng African Swine fever
Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa State of Calamity ang buong bansa dahil sa kaso ng African Swine Fever o ASF.
Sa pamamagitan ng Proclamation 1143 nasa State of Calamity ang buong bansa dahil sa kaso ng ASF na puminsala na sa kabuhayan ng mga local hog raisers sa bansa.
Inatasan narin ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan kasama ang mga Local Government Units o LGU’S na tulungan ang mga lokal na magbabababoy para makabangon sa pinsalang dulot ng ASF.
Nauna ng naglabas ng kautasan ang Pangulo sa pamamagitan ng Department of Agriculture para bigyan ng financial assistance at re-population ang mga local hog raisers na tinamaan ng ASF.
Pinahintulutan narin ng Pangulo ang pag-aangkat ng karne ng baboy sa pamamagitan ng pagtataas sa Minimum Access Volume kaakibat ng pagbabayad ng excise tax upang mapunan ang kakulangan ng supply ng karne ng baboy sa merkado at mapababa ang presyo.
Magugunitang hindi pabor ang mga local hog raisers sa pagdaragdag ng Minimum Access Volume sa pag-aangkat ng karne ng baboy dahil magdudulot ito ang kamatayan sa kanilang negosyo.
Vic Somintac