PRRD, lumahok sa virtual ASEAN summit
Sumali si Pangulong Rodrigo Duter sa virtual Association of Southeast Asian Nation o ASEAN all leaders summit na may temang “We Care, We Prepare, We Prosper”.
Isinulong ng Pangulo ang pagbuo ng ASEAN Centre on Public Health Emergencies and Emerging Diseases na napapanahon dahil sa Pandemya ng COVID-19.
Sinabi ng Pangulo na magiging mahirap at mahaba pa ang daang tatahakin ng ASEAN region tungo sa recovery mula sa COVID-19 pandemic lalo na sa buhay at kabuhayan.
Iginiit ng Pangulo ang kahalagahan ng implementasyon ng ASEAN Comprehensive Recovery Framework.
Hinimok din ng Pangulo ang mga kapwa lider ng ASEAN na manatiling isulong ang peace, stability at prosperity sa South China Sea.
Ayon sa Pangulo, bilang isang regional bloc dapat isulong ang kapayapaan sa South China Sea batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award na pumapabor sa Pilipinas.
Sa intervention ng Pangulo sa 24th ASEAN-China Summit binigyang-diin niya ang mga commitment ng ASEAN countries sa 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea ay dapat magkaroon ng aksyon dahil nagbabago ang geopolitical situation sa Asya.
Kasama rin ng Pangulo na nakibahagi sa ASEAN summit ang ilang miyembro ng gabinete na kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.
Vic Somintac