PRRD nagbabala sa food security ng bansa sa mga susunod na taon
Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa seguridad ng pagkain sa bansa para sa mga susunod na taon.
Babala ng Pangulo baka mahirapan ang bansa sa aspeto ng food security bunsod ng ilang mga kadahilanan.
Ayon sa Pangulo ang paglobo ng populasyon o pagdami ng mga tao ang pangunahing dahilan kaya lumalala ang kahirapan na nagdudulot ng kasalatan sa suplay ng pagkain.
Sinabi ng Pangulo habang tumatagal ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay makadaragdag pa ito sa banta ng food security.
Una dito ay hinikayat ng Population Commission (POPCOM) ang papasok na administrasyon ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr. na maging consistent sa pagpapatupad ng adbokasiya tungkol sa family planning.
Statement, Pres. Duterte:
“The population is growing and we have to keep pace. You know even in the food security in the coming years mahirapan tayo. And the longer that this ruckus in Europe between Russia and Ukraine continues, mag-spiral talaga ‘yan. That’s what I’ve been warning the Filipinos two months ago. Sabi ko there is a fighting over there. But ‘yung flow ng oil will be disrupted“.
Vic Somintac